Recitation

Nung grade five ako, may tinanong si Mr Mora, yung teacher namin sa Kasaysayan tungkol sa hindi ko na matandaang current event.

Tapos pinaboto niya yung klase kung alin ba talaga yung nangyari.

Mag-isa lang akong bumoto sa scenario 2 kaya tinanong niya ako ulit, sabi niya: Sigurado ka? Lahat sila iba ang sagot..

Nagkibit-balikat ako pero nanatiling nakataas ang kamay ko.

Grade five ako non. Trenta na ko ngayon. Ngayon pa ba ko matatakot maging mag-isa?


Comments

Popular Posts