Call Center Ka Lang
Non-travel post./ Now, we don't want to rehash old topics but since I saw that "Call Center lang naman nagwo-work" post again, might as well rehash. Haha.
Here's a post from 2013 for the peeps who support the travel industry.
* * *
"Call Center ka lang."
Hindi ko naiintindihan kung saan nag-uugat ang banat na to.
Una sa lahat, hindi ako call center. Ako ay tao - taong nagtatrabaho sa call center. At ikaw, malamang di ka taga-call center kasi bano pati tagalog mo. Siraulo.
San ba nanggaling yang punietang kulturang nagpapasikat sa panlilibak sa kapwa? Pinagtatawanan ang maliit, ang mataba, ang mahirap at ang mga taga-call center. (Nax. Aping-api ang peg.)
Seryoso na.
Ang mga taga-call center, madalas, parang mga saleslady o sales clerk lang yang mga yan na nakaupo sa airconditioned na opisina at sumasagot sa salitang ingles.
E ano naman?
Sinasabihan mo ba ng "saleslady ka lang" yung saleslady na nagsuot sa yo ng sapatos mo?
Siguro kung sinabi niyang mabaho yung paa mo. Pero kami... Ano bang ginawa namin sa yo?
Tinanong mo ba sa night-shift guard ng opisina niyo kung anong tinapos niya? Alam mo bang may gwardiya na college graduate at marami sa amin sa call center ang college undergrad? E bakit mo pinagdidiskitahan yung pagkasayang ng edukasyon namin?
Mas gusto mo bang tumambay kami sa bahay katulad ng pinsan mong never daw magtatrabaho sa call center kaya di na lang nagtatrabaho dahil sa kawalan ng job opportunity dito sa Pinas?
You think we have it easy kasi powertripper yung boss mo at binibigyan ka ng imposibleng deadline? Pucha. Powertripper din boss namin! Tanginang andami-dami naming boss!! May mga caller/customer, may coach, may manager, may trainer, may boss ng manager namin, may quality analyst at maraming marami pang ibang epal. Puta! Sa dami ng boss namin malabong walang powertripper kahit isa diyan!
Naiirita ka kasi nag-e-english kami?
Shutanginabeks. Anes!! Nasachikola mo bey ang kinekemvular ditey? Kemerat bumblebee, kimenelar.
Ano, naiinis ka na naman? Epal ka a. Kung gusto namin mag-dutch, mag-german o mag-minion linggo, wala kang pakelam. Ang babaw mo. Bumili ka ng earphones, addik.
Tsaka teka nga, binubuhay niyo ba kami? Di ba't isa kami sa sektor na patuloy na umaambag sa kaban ng bayan at hindi nagpapabigat sa gobyernong sa bawat may isang natutulungan ay tatlong beses pa ulit dumadakot sa kaban ng bayan para ibulsa?
Bakit ba...? Hindi naman kami ang problema a. Ikaw.
Posted by IE Sindayen on http://begin2013.blogspot.com/ Tuesday, August 27, 2013

posted from Bloggeroid
Comments
Post a Comment