The Caramoan Budget :)

Sa caramoan, may island tours na short trip and long trip.
Short trip: 1.5k = Islands 15 minutes from caramoan.
Long trip: 2.5k = islands an hour away from caramoan.

May pinagstayan kami na cottage na indie. ahahah. Independent. Hindi hotel. Pero asteg sa art. Owned siya ng isang mountaineer tapos yung nagbabantay locals.

Ganda!

Meron pang wildlife sa likod :) may pet silang endangered specie na reptile... Uh, ano ba yung mas malaki sa tuko na mas maliit sa buwaya???

Anyway, yung sa hotels 1.5k - room lang na may bed and bath.

Yung sa indie, room na may dining area, spacious, 2 queen beds - 1k.
(May contact number ako, bigay ko sa yo. pm ka lang.)

Since dalawa lang kami ng travel buddy ko, less than 8k yung nagastos namin for four days ( 1 night in Sabang, 1 night in Caramoan, 1 night in Legaspi) ; inclusive of transpo, accommodation, island hops, meals, etc. kasama na pati extra rice at pambayad sa public cr :)

Pwede pa yan bumaba with proper planning kasi nag-overnight pa kami sa sabang dahil ang last trip puntang caramoan is 11am, kaya nadagdagan yung gastos at may idle time. (Pero chill naman mag-stay sa Sabang, mas maganda din yung ma-experience pati yung mga outlying places para maramdaman mo yung feel nung buong lugar.)

The boat is same as the usual nagsasa boat, so baka pwede pa max 4 pax.

Btw, the transpo pala does not include the airfare papunta. Pero kasama na dun yung bus pabalik. And it's best to take the night bus home. Tipid sa hotel stay at masarap ang tulog - hindi mo mararamdaman yung byahe :)

Comments

Popular Posts